Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.
Walang sinumang miyembro ng Team GENUINE ang pinapayagang sumali sa ibang MLM/networking o affiliate marketing companies pagkatapos mag-enroll sa Team GENUINE Academy.
Pwede kang mag-sponsor ng mga tao na aktibong nagpo-promote o nagbebenta ng produkto ng ibang networking company pero hindi sila magkakaroon ng access sa Team GENUINE Academy & System kundi sa ating Facebook group lamang. Kung gusto n'ya rin na magkaroon ng access sa Team GENUINE Academy & System, kailangan n'ya maging inactive ang anumang networking o affiliate marketing company na pino-promote nya.
Kapag talagang gusto na umalis ng isang miyembro sa Team GENUINE at lumipat na ng ibang kumpanya, magpaalam lamang ng maayos sa ating Team GENUINE Corp Facebook page. Hindi natin sila pipigilan.
Anumang ilegal na pagkopya, pagpapakalat o distribusyon ng mga materyales na ito ay magreresulta sa agarang pagtanggal sa Team GENUINE account ng sinumang miyembro na mapapatunayang lumabag. Maaari rin silang sampahan ng kaso ng Team GENUINE Academy na paglabag sa copyright law.
Awtomatiko ring mawawalan ng bisa ang 6-months implementation guarantee kapag gumawa ka ng anumang diskarte na unethical.
Kapag meron kang nilaktawan na kahit na isang lesson, mababalewala na ang implementation guarantee.
Kapag bigla ka nalang tumigil sa negosyo ng tatlong(3) araw na sunud-sunod sa loob ng anim na buwan na wala man lang paalam sa iyong sponsor o sa mga lider at wala man lang valid na paliwanag kung bakit, mababalewala na ang implementation guarantee.
Kapag umabsent ka sa OGC kahit na isang beses lamang, mababalewala na ang implementation guarantee.
Maliban nalang kung may emergency. Ang mga emergency na tinatanggap ng Team GENUINE Academy ay:
1. Health concerns tulad ng pagkakaroon ng sakit o nasugod sa ospital ang sarili.
2. Pagkasawi o pagka-sugod sa ospital ng kamag-anak o kapamilya (hindi kasama ang mga kaibigan).
3. Mga sakuna tulad ng bagyo, lindol, giyera o pagputok ng bulkan.
Kung wala sa alinman sa tatlong ito na nabanggit, ibig sabihin ay hindi namin ito tatanggapin na emergency. Ang kawalang ng data o signal ng internet ay HINDI tatanggapin na emergency.
Kapag may hindi ka sinunod na kahit isang lesson lamang, mababalewala na ang implementation guarantee.
Kung gusto mong gamitin ang pangalan ng Team GENUINE Academy maaari mo itong idugtong sa iyong pangalan. Halimbawa: Bogart Dimagiba by Team GENUINE
Ang Team GENUINE ay tatak na pagma-may ari lamang ng Team GENUINE. Ang Team GENUINE lang ang may karapatang gumawa ng mga nabanggit na produkto. Ang sinumang lalabag ay maaaring mate-terminate sa grupo ng Team GENUINE at maaari pang kasuhan ng paglabag sa batas ng karapatang-ari (trademark).
Una, ginawa mo ng tuloy-tuloy at araw-araw ang negosyo sa loob ng anim (6) na buwan.
Ikalawa, ginawa mo ang lahat ng mga gawain na pinapagawa sa loob ng Team GENUINE Academy.
Ikatlo, wala kang kahit na isang absent sa mga OGC. Maliban nalang kung may emergency. Ang mga emergency na tinatanggap ng Team GENUINE Academy ay:
Health concerns tulad ng pagkakaroon ng sakit o nasugod sa ospital ang sarili.
Pagkasawi o pagka-sugod sa ospital ng kamag-anak o kapamilya (hindi kasama ang mga kaibigan).
Mga sakuna tulad ng bagyo, lindol, giyera o pagputok ng bulkan.
Kung wala sa alinman sa tatlong ito na nabanggit, ibig sabihin ay hindi namin ito tatanggapin na emergency. Ang kawalang ng data o signal ng internet ay HINDI tatanggapin na emergency.
Kapag ginawa mo ang apat na bagay na yan, ipadala mo lang samin ang mga patunay at kapag ito ay na-aprubahan na, ibabalik namin agad ang iyong enrollment fee plus babayaran ka namin ng Php15,000.
d
Kapag napatunayan namin na nagsinungaling ka sa mga patunay na ipinadala mo samin, agarang mawawala ng bisa ang implementation guarantee at maaari ka ring ma-terminate sa Team GENUINE Academy.
Ipapaalam rin namin sa'yo na may mga tools kami na ginagamit para malaman kung totoo ba talagang sinunod mo ang apat na bagay na ito kaya wag mo na subukan magsinungaling para lang mabawi ang enrollment fee mo dahil hinding-hindi mo kami maloloko.
SCENARIO #2:
Na-sponsor ni Berting si Bogart online man o offline at lumabas rin sa system ng Team GENUINE na si Berting ang huling referrer. Si Diego ay student rin ng Team GENUINE at magkakilala sila ni Bogart. Kay Berting pa rin mapupunta ang referral dahil kasalanan ni Diego na hindi n'ya ipinakita ang opportunity kay Bogart. Ibig sabihin hindi inapply ni Diego ang lahat ng natutunan n'ya sa Team GENUINE Academy.
Kung gusto ni Bogart na maging sponsor si Diego, hindi rin pwede dahil magiging unfair kay Berting dahil sya ang nag effort. Maliban nalang kung kamag-anak at/o kapamilya ni Diego si Bogart. Ibibigay nalang ni Diego kay Berting ang DPS commission sa GFoxx (kung BP/LP/PP) para maging fair kay Berting na nag effort.
Ang rason kung bakit exception ang kamag-anak at/o kapamilya ay dahil ayaw natin magkaagawan sila ng market kasi malamang sa malamang sila-sila ang magkakakilala. E.g. Pwedeng mag pinsan si Diego at si Bogart. Mahirap kung mag-aagawan sila ng warm market nila o yung mga kamag-anak at kapamilya rin nila gayung magkamag-anak rin silang dalawa.
SCENARIO #3:
Na-sponsor ni Berting si Bogart online(uulitin ko, online hindi offline) dahil magkaibigan sila pero ang huling referrer ay si Tiburcio. Si Tiburcio ay sponsor o referrer o nasa taas ni Berting sa genealogy sa GFoxx.
Spill over nalang ni Tiburcio si Bogart kay Berting dahil magbe-benefit pa rin naman si Tiburcio dahil nasa ilalim nya si Berting. Kay Berting na ipapangalan yung sponsor sa loob ng GFoxx dashboard. Ganito mismo ang ginagawa ni coach Karl.
SCENARIO #4:
Na-close deal na ni Bogart si Berting at nai-fill up na rin ni Bogart sa kanyang checkout link si Berting. Tapos biglang nag message sa page ni Tiburcio si Berting sa di malaman na dahilan (madalas ito ay dahil akala ng prospect na iisa lang ang kausap nya) tapos nai-fill up rin ni Tiburcio si Berting sa checkout link nya.
Dapat mapupunta ang referral kay Tiburcio dahil sya pa rin ang huling nakapag fill up sa checkout link pero para maging patas kay Bogart dahil hindi naman nya pinabayaan ang prospect at hindi naman inactive si Bogart sa nakalipas na pitong (7) araw, kung nalaman agad ito ni Bogart, mag-usap nalang sila ni Tiburcio para mailipat sa kanya ang referral. Si Bogart pa rin ang may karapatan sa referral.
Pero kapag na-encode na ito sa Team GENUINE Academy at kay Tiburcio nakapangalan, ibigay nalang ni Tiburcio kay Bogart kahit yung DPS commission sa GFoxx.
Para maiwasan ang ganitong scenario, ganito lang ang gawin mo: Kapag bigla nalang may nag send ng proof of payment sayo na hindi mo kilala at wala ka naman conversation sa kanya, palagi mo itong itatanong sa kanya: "Sino yung unang team GENUINE student na nakausap mo bago ka nag message sakin?"
Kapag sinabi nyang wala, sayo na yung referral na yun. Kapag sinabi nyang meron, i-tee up mo yung kausap nya na team GENUINE student at sabihin mo na mag message ulit dun para magabayan sya.
SCENARIO #5:
Na-sponsor ni Berting si Bogart offline (uulitin ko, offline hindi online) at nagbayad agad si Bogart habang kasama sya ni Berting. Kahit hindi na i-fill up ni Berting si Bogart sa checkout kanyang checkout link, automatic si Berting na ang sponsor ni Bogart.
Ang kailangan lang nilang gawin ay mag-selfie silang dalawa na magkasama at i-send ito sa Team GENUINE Tech Support page bilang patunay na offline nag-enroll si Bogart.
Kapag nalaman mong customer sya ng ibang team GENUINE student, sabihin mo agad sa kanya na makipag coordinate agad dun sa binilhan nya. Kung sakaling hindi na nya maaalala kung sino yung binilhan nya dati, pwede mo na s'yang mabentahan ng produkto.
Bawal kumuha ng prospects sa mga nagko-comment sa mga videos ni coach Karl o videos o posts ng ibang Team GENUINE students at ng Team GENUINE Official page.
Bawal kumuha ng prospects sa mga members ng Team GENUINE Community na may mutual friend na team GENUINE student dahil ibig sabihin sa kanya ang prospect na yun.
Si Coach Karl Serrano lang ang may karapatang gumamit ng pangalan nya sa mga Facebook page at iba pang online platform. Ang sinumang lalabag ay maaaring mate-terminate sa grupo ng Team GENUINE at maaari pang kasuhan ng paglabag sa batas ng karapatang-ari (trademark).
This site is not a part of the Facebook website or Facebook Inc. Additionally, this site is not endorsed by Facebook in any way. FACEBOOK is a trademark of FACEBOOK, Inc.
IMPORTANT: Earnings and Legal Disclaimers
We don't believe in get-rich-quick programs. We believe in hard work, adding value and serving others. And that's what our products & services are designed to help you do. As stated by law, we can not and do not make any guarantees about your own ability to get results or earn any money with our ideas, information, programs or strategies. We don't know you and, besides, your results in life are up to you. We're here to help by giving you our greatest strategies to move you forward, faster. However, nothing on this page or any of our websites or emails is a promise or guarantee of future earnings. Any financial numbers referenced here, or on any of our sites or emails, are simply estimates or projections or past results, and should not be considered exact, actual or as a promise of potential earnings - all numbers are illustrative only. If you have questions, email [email protected]. We wish you success on your journey.
© Team GENUINE. All Rights Reserved.